Mga dahilan para gamitin ang DCOM

Mabilis at Internasyonal na Serbisyo

Ang DCOM Money Express ay nagbibigay ng mabilis at maaasahang international money transfer service na lisensyado ng Ministry of Finance ng Japan. Sa malawak na pandaigdigang network, matutulungan ka ng DCOM na magpadala ng pera sa iyong mga mahal sa buhay sa halos 100 bansa nang mabilis at madali.

Garantisadong Seguridad

Upang maprotektahan ang aming mga customer, mayroon kaming "Security Deposit Fund" sa Local Legal Bureau ng Japan na may halagang higit sa JPY 10 milyon upang masiguro ang kaligtasan ng inyong pondo. Kung hindi nabayaran ang iyong receiver, tanging ang customer lamang ang may karapatang i-withrraw ang perang nailipat sa DCOM mula sa guarantee fund.

Pinakamura

NO HIDDEN COST! Ang aming service fee ay competitive kumpara sa ibang kumpanya -- simula sa 400 JPY lamang. Ang DCOM Money Express ay may iba't ibang paraan upang matanggap ang iyong padala, ito ay nakadepende sa kung ano ang pinaka-angkop sa iyong pangangailangan at kung saan ka makakatipid. Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang impormasyon.

Madali at maginhawa

Ikinalulugod naming ibigay ang aming serbisyo sa iba't ibang linggwahe, na magpapadali sa mga customer na magpadala ng pera. Sa aming registration process gamit ang Online Verification method, makakapagpadala ka ng pera agad sa loob lamang ng 15 minuto.