Ang DCOM SILVER CARD ay direct to receiver card, kung saan nakasulat ang pangalan ng inyong padadalhan. Gamit ang card na ito, pwede na mag-deposito sa kahit saang Japan Post Bank ATM (o ilang FamilyMart ATMs), at diretso ng maipapadala ang pera sa pangalang nakasulat sa inyong silver card sa loob lamang ng 8 hanggang 10 minuto.
Hindi na kailangan pang tumawag sa DCOM Customer Service para ipaalam na kayo ay nag-deposito o gumawa ng transaksyon gamit ang DCOM App.
Ang serbisyo ay available 24 oras, kabilang ang Sabado, Linggo, o holidays.
※ Paalala: Kung magpapadala ng Account Deposit, ito ay pumapasok agad sa mga sumusunod: BDO, Landbank, Metrobank at BPI. Para sa ibang bangko madalas na pumapasok ito sa susunod na banking day (Ang crediting time ay naka-depende sa banking hours ng mga bangko sa Pilipinas).
Ang GOLD CARD ay deposit o funding card, kung saan maaaring magpadala sa kahit ilang pangalan na nais padalhan. Mag-deposito sa kahit saang Japan Post Bank ATM (o ilang FamilyMart ATMs) at mag-login sa DCOM APP upang gumawa ng transaksyon o tumawag sa DCOM Customer Service.
※ Paalala: Ang transaksyon ay maari ma-proseso sa DCOM working hours.
Dalhin lamang ang inyong Residence Card sa DCOM Walk-In Office sa:
1F Sakae Center bldg., 3-13-20 Sakae, Naka-ku, Nagoya
Filipino staff ay handang tumulong sa concerns ninyo.
Matapos ma-proseso ng system ang transaksyon, makakatanggap ng isang text o isang email upang ipaalam ang status ng transaksyon. Kung gagamitin mo ang cash pick-up service sa mga sangay ng: Cebuana, MLhuillier, Palawan Pawnshop, LBC, Landbank at iba pa, kailangan mong ipaalam sa iyong receiver ang Reference Number, amount in PHP, atbp.