PAANO MATANGGAP ANG PADALANG PERA

1. ACCOUNT DEPOSIT TO RECEIVER'S BANK ACCOUNT

Sa kasalukuyan, ang Landbank of the Philippines ang siyang direktang partner ng DCOM sa Pilipinas. Maaaring mag-credit sa Landbank accounts, at mag-credit sa ibang Philippine banks gamit ang PHILPASS/BSP.

Ang DCOM ay maaaring magpadala sa anumang bangko sa Pilipinas. Para sa mga bangko maliban sa Landbank, madalas na pumapasok ito sa susunod na working day. Ang crediting time ay naka-depende sa working hours ng mga bangko sa Pilipinas. Contact us for more information.

2. CASH PICKUP INSTANTLY

Gamit ang serbisyong ito, ang receiver ay maaaring pumunta sa alinman sa mga sumusunod na lokasyon: Cebuana, M.Lhuillier, Palawan Pawnshop, LBC, Landbank, BDO at iba pa. Pagkatapos ma-proseso ng DCOM ang transaksyon, kailangan lamang ng valid ID ni receiver at ng Reference Number upang makuha ang perang padala sa loob lamang ng ilang minuto, at walang karagdagang bawas o gastos. Contact us for more information.